Darating pala sa buhay ng isang tao, yung araw na hindi niya alam ang gagawin nya. Iyong araw na lilisan niya ang pamilya niya hindi dahil sa magpapamilya na siya kundi sa kadahilanang kailangan niyang hanapin ang sarili niya. Kailangan niyang umalis sa lugar na kinamulatan niya. Kinakailangan niyang malaman kung ano ang rason niya para mabuhay. Kinakailangan niyang mahanap ang "purpose" niya sa mundo. I never knew it will happen to me.
Masaya akong kasama ang pamilya ko. Andiyan si Mommy at si Daddy, si Tatay at Nanay, at ang mga pinsan ko. Masaya ako dahil kasama ko sila. Naiinis pa nga akong makita iyong mga anak na iniiwan ang mga magulang para mag-sarili. Ilang beses kong tinanong ang sarili ko noon, "bakit sila umaalis? Bakit sila umaalis sa comfort zone nila? Hindi ba sila masaya na kasama nila ang mga magulang nila at ang iba pa nilang mahal sa buhay?" Eto yung mga tanong na hindi ko masagut-sagot noon. Hindi ko kasi maintindihan, hanggang sa ako mismo 'yung naka-experience. Nalaman ko na kung bakit umaalis yung mga anak sa poder ng mga magulang nila. Nalaman ko na kung bakit. Alam ko na yung dahilan.
Totoo nga iyong kasabihan na "You'll never know unless you go". Damn, right.
Bakit nga ba ako umalis sa comfort zone ko? Hindi ba ako masaya? Bakit ko iniwan ang pamilya ko? Bakit? Ano ang dahilan ko?